Major US anti-vaccine group, ban sa Facebook
Inihayag ng Facebook-owner na Meta, na pinatalsik nito ang pinaka maimpluwensiyang US anti-vaccination groups sa social media network dahil sa pagkakalat ng COVID-19 misinformation.
Agad namang inakusahan ng Children’s Health Defense (CHD), na naging kritiko ng mga bakuna para sa COVID ang Meta, nang pagpigil sa kanilang karapatan sa malayang pananalita.
Sinabi ni CHD founder Robert Kennedy, Jr., pamangking lalaki ng namayapa nang si president John F. Kennedy, “Facebook is acting here as a surrogate for the federal government’s crusade to silence all criticism of draconian government policies.”
Ayon sa Meta spokesperson na si Aaron Simpson, ang mga account ng grupo sa Facebook at Instagram ay isinara na noong Miyerkoles. Ipinataw ang ban matapos ang paulit-ulit na paglabag sa misinformation rules ng Meta.
Sinabi ng CHD, na ang kanilang social media accounts ay mayroong daang libong followers, at ang naging hakbang ng Meta ay ikinagulat nila.
Ibinahagi ng grupo ang isang screen capture na nagpapakita ng mga mensahe na ang accounts ay sinuspindi dahil sa paglabag sa mga polisiya ng Meta kaugnay ng “misinformation that could lead to real world harm.”
Ayon sa CHD, ang ban ay maaaring may kaugnayan sa isang demandang inihain nito laban sa Meta, na nag-aakusa sa tech giant ng paglabag sa karapatan ng malayang pagsasalita, sa pamamagitan ng panghahawak sa US Centers for Disease Control hinggil sa kung anong impormasyon ng COVID-19 ang sinusuportahan ng siyentipiko.
Ayon sa legal filings, ini-apela ng anti-vaccine group ang naging ruling ng isang lower court laban sa kanila.
© Agence France-Presse