Makabagong pamamaraan ng pag-gamot sa cancer, isinusulong ng mga Oncologist
Nananatiling national health priority pa rin ng bansa ang cancer kahit nararanasan ang Pandemyang dulot ng Covid-19.
Sa Pilipinas, sinabi ng mga oncologist o mga espesyalista sa cancer na nananatiling breast cancer sa babae at lung cancer naman sa mga lalaki ang sanhi ng pagkamatay ng maraming Filipino.
Bukod sa breast at lung cancer, ang iba pang cancer na dapat bantayan upang maagapan at makaiwas na humantong sa malalang kundisyon ay colorectal, liver, cervical at prostate cancer.
Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Jorge Ignacio, Medical Oncologist at Chairman ng Cancer Institute sa Philippine General Hospital o PGH, kung dati-rati, kapag na-diagnose na may cancer ay chemotherapy at radiation ang kanilang pamamaraan upang gamutin ang cancer, pero ngayon, last resort na ang chemotherapy.
Aniya, gumagamit sila ng tinatawag na Immuno-Therapy, isang makabagong pamamaraan upang ang cancer ay lunasan at agad na madetect.
Dr. Jorge Ignacio:
“Yung immunotherapy uses our own immune system to battled the cancers inside our body, tinuturuan nito na ma-detect ng immune system ang cancer na nasa loob ng ating katawan“.
Payo ni Ignacio sa publiko, kung may nakapang bukol sa alinmang bahagi ng katawan, huwag ipagwalang bahala at sa halip ay agad na ikunsulta sa oncologist o espesyalista sa cancer kahit via tele-medicine o tele-consultation upang maagapan at hindi humanton sa malalang kundisyon.
Belle Surara