MAKABATA hotline 1383, ikinampanya ng CWC at DSWD sa pagdiriwang ng Nat’l Childrens Month
Umapela sa publiko ang Council for the Welfare of Children (CWC) at Department of Social Welfare and Development ( DSWD) na gamitin ang MAKABATA hotline 1383 kaugnay ng anumang kakailanganing saklolo para sa mga bata.
Sinabi ni CWC Director Undersecretary Angelo Tapales na ang MAKABATA 1383 hotline ay magsisilbing Centralize Helpline ng gobyerno para sa mga kabataang nakararanas ng physical at mental abuse.
Ayon kay Tapales, ang MAKABATA 1383 hotline ay available 24/7 na konektado rin sa mahigit 60 helpline ng gobyerno at pribado sa ibat-ibang panig ng bansa.
Inihayag ng CWC at DSWD na ang MAKABATA 1383 hotline ay mayroong inquiry, referral at emergency response para tulungan ang mga batang nangangailangan ng saklolo.
Vic Somintac