Makailang beses na pagpapaliban sa Barangay at SK elections, hindi umano banta sa demokrasya
Iginiit ng Commission on Elections ( COMELEC ) na hindi maituturing na banta sa demokrasya ang ilang beses nang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ( BSKE ).
Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, ipinaliwanag ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na ang pagpapaliban ng halalan ay pinapayagan sa ilalim ng Article 10 ng 1987 Constitution.
Hindi naman aniya ito ilalagay ng mga gumawa ng konstitusyon kung banta ito sa demokrasya.
Naniniwala si Laudiangco na mas masasabing isang personal na isyu ang Barangay at SK kaya mataas ang emosyon ng mga tao.
Kung hindi matutuloy ang BSKE ngayong 2022, ito na ang ikatlong pagpapaliban sa halalan.
Madelyn Villar – Moratillo