Makaraang umatras ng China; Qatar, magiging host ng 2023 Asian Cup
Inihayag ng Asian Football Confederation (AFC), na Qatar na ang magiging host ng 2023 Asian Cup makaraang umatras ng China sa unang bahagi ng 2022 dahil sa COVID-19.
Noong June 2019 ay nanalo ang China sa bid para i-host ang event, subalit nag-pull out ito noong Mayo dahil sa kanilang “zero-Covid” policy, dahilan para magkumahog ang AFC sa paghahanap ng magiging bagong Host para sa kanilang men’s 24-team football tournament.
Ang torneo ay gaganapin sana sa sampung siyudad sa China mula June 16 hanggang July 16 sa susunod na taon.
Ayon sa Malaysia-based AFC, “The Asian Football Confederation (AFC) executive committee has today confirmed the Qatar Football Association (QFA) as the host association for the AFC Asian Cup 2023.”
Hindi naman nagbigay ng petsa ang AFC para sa Asian Cup. Sinabi pa nito na nasa shortlist din ng kanilang executive committee ang India at Saudi Arabia para sa 2027 Asian Cup.
Sinabi ni AFC president Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa, “Qatar is ready to put on the event despite the short lead time to prepare. It will also host the World Cup starting next month. Qatar’s capabilities and track record in hosting major international sporting events and their meticulous attention to detail are well admired throughout the globe. I must also commend the AFC for showcasing utmost professionalism in conducting a fair and transparent expedited bidding process and I thank all our commercial partners and sponsors for their patience during these unprecedented times.”
Ang Asian Cup ay isinasagawa kada apat na taon. Ang Qatar ang nagwagi sa huling edisyon nito noong 2019, na ang host na bansa ay ang United Arab Emirates.
Naging host na rin ang Qatar sa 1988 at 2011 editions.
Magkasama namang naging host ng 2002 World Cup ang South Korea at Japan.
Nagkaroon naman ng matches ang Indonesia sa 2007 Asian Cup kasama ng Malaysia, Thailand at Vietnam.
Subalit sa unang bahagi ng Oktubre, ang Indonesia ay nagkaroon ng isang matinding trahedya na tinaguriang isa sa pinakamalalang stadium disaster sa buong mundo, sanhi para magduda ang mga eksperto sa kakayahan nito na mag-host ng isang major international events.
Matatandaan na hindi bababa sa 131 katao ang namatay at daan-daang iba pa ang nasaktan sa nangyaring stampede sa overcrowded na stadium sa Malang sa East Java.
© Agence France-Presse