Makati City, namahagi ng libreng kagamitan para sa mga mag-aaral
Hindi naging hadlang ang pandemya para mabigyan ng maayos at dekalidad na edukasyon ang mga mag aaral sa lungsod ng Makati.
Kaya naman sinimulan na ang pamamahagi ng libreng school supplies, mga libro, school uniforms at mga sapatos para sa mga mag-aaral ng nasabing lungsod.
Kabilang sa mga paaralang namahagi ay ang Nicanor Garcia, Sr. Elementary school kaya naman maaga pa lang ay nagtungo na ang mga magulang para kunin ang bahagi ng kanilang mga anak.
Bago ito ay nagsagawa ng pagdidisinfect ang nasabing paaralan bilang bahagi naman ng ipinatutupad na health and safety protocols, at para masiguro na ligtas ang mga pupunta sa nasabing paaralan.
Samantala, naging maayos naman at nasunod ang social distancing sa loob ng paaralan nang isagawa ang pamamahagi ng mga pangangailangan ng mga mag aaral.
Laking pasasalamat ng mga magulang sa malaking tulong ng ganitong programa ng lungsod, lalo pa nga at marami sa mga ito ang kapos bunsod ng nararanasang pandemya.
Kristine Dantes