Makati City RTC itinakda sa September 13 ang pagdinig sa mosyon ng DOJ na mag-isyu ng warrant of arrest at HDO laban kay Trillanes; kampo ng Senador pinagkukomento
Hindi na muna nagpalabas ang Makati City Regional Trial Court ng alias warrant of arrest at hold departure order laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Sa halip nagtakda ng pagdinig sa September 13 ng alas nueve ng umaga si Makati City RTC Branch 148 Presiding Judge Andres Bartolome Soriano sa mosyon ng DOJ na magisyu ng alias warrant of arrest at HDO laban kay Trillanes.
Inatasan din ng korte ang kampo ni Trillanes na maghain ng komento sa mosyon ng DOJ sa loob ng limang araw.
Natanggap na ng DOJ ang kopya ng kautusan ng Makati City RTC.
Iginiit ng DOJ sa inihain nitong mosyon na hindi pa terminated ang kaso laban kay Trillanes sa kabila ng amnestiya na iginawad sa senador ni dating Pangulong Aquino dahil sa kinansela ng korte ang promulgation of judgment nito.
Ulat ni Moira Encina