Makati RTC Branch 150 inatasan ang GMA Network News TV na isumite ang kopya ng online news report nito noong June 5,2011 kaugnay sa Trillanes amnesty

Inatasan ng Makati City RTC Branch 150 ang GMA Network News TV na bigyan ito ng kopya ng online news report na nailathala noong June 5, 2011 ukol sa paghahain ng amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sa isang pahinang kautusan ni Branch 150 Judge Elmo Alameda, partikular na pinasusumite nito sa media network ang online report nito na may titulong “Trillanes avails of amnesty, admits breaking rules.”

Pinabibigyan din ng korte ng kopya ng artikulo ang Office of the Prosecutor General ng DOJ.

Sa nasabing news report, nakasaad na bagamat inaamin ni Trillanes na lumabag sila sa ilang batas pero hindi nila inaamin ang mutiny at kudeta na ipinaparatang sa kanila sa hukuman at court martial.

Ayon kay acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, hniling nila sa Makati RTC na maiprisenta nila ang nasabing report bilang bahagi ng kanilang ebidensya sa mosyon nila na ipaaresto at pigilang makaalis ng bansa si Trillanes dahil sa kasong rebelyon.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *