Makati RTC, hindi naglabas ng Warrant of Arrest laban kay Senador Trillanes sa halip nagpatawag ng pagdinig sa Oct. 5

Hindi naglabas ng alias Warrant of Arrest at Hold Departure order ang Makati Regional Trial Court Branch 148 sa urgent motion ng Department of Justice sa kasong kudeta laban kay Senador Antonio Trillanes.

Ayon kay Atty. Rey Robles, abugado ni Trillanes, nagdesisyon si Judge
Andres Bartolome Soriano na magpatawag muna ng pagdinig sa October 5.

Atty. Robles:
“Premises considered, the resolution of the urgent ex-parte omnibus motion for the issuance of hold departure order and alias warrant against Trillanes is deferred”.

Pero hindi pa ito nangangahulugan na bubuksan ang kaso ni Trillanes at iba pang miyembro ng Magdalo kaugnay ng ginawa nilang pag-aaklas laban sa gobyerno.

Sa pagdinig, bubusisiin muna aniya kung nag- file o hindi ng kaukulang application si Trillanes sa amnestiya na inisyu ni dating Pangulong Noynoy Aquino at kung may nangyaring Admission of Guilt na siyang pinagbatayan sa paglalabas ng Proclamation 572 ni Pangulong Duterte.

Inatasan rin ng Korte ang kampo ni Trillanes na magsumite ng ebidensya sa October 5.

Itinuturing naman ni Trillanes na tagumpay ang desisyon ni Judge Soriano.

Sen. Trillanes:
“I believe we are victorious. At least for this day the Filipinos won. Our country won against the evil forces of Mr. Duterte”.

Katunayan aniya na hindi nagpadala si Soriano sa matinding pressure ng Malacañang at nanaig pa rin ang Rule of law.

Pinasalamatan naman ng Senador ang mga tagasuporta, liderato at mga empleado ng senado na tumulong sa kanya para manalangin para sa patas na hustisya.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *