Makikinabang sa AstraZeneca anti COVID-19 vaccine nasa desisyon ng national immunization technical advisory group- Malacañang
Nasa pagpapasya ng National Immunization Technical Advisory Group o NITAG kung sino-sino ang makikinabang sa AstraZeneca anti COVID 19 vaccine.
Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet Secretary Carlo Alexi Nograles sa virtual briefing sa Malakanyang .
Sinabi ni Nograles na natalakay sa pinakahuling cabinet meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating sa bansa ng 487,200 doses ng AstraZeneca anti COVID 19 vaccine na mula sa COVAX facility ng World Health Organization o WHO.
Ayon kay Nograles magiging tuloy-tuloy na ang rollout ng vaccination program ng pamahalaan dahil sa pagdating ng AstraZeneca anti COVID 19 vaccine.
Inihayag ni Nograles nananatiling nasa first prioriy ang mga medical frontliners na tatanggap ng anti COVID 19 vaccine na available sa bansa.
Sa pagdating ng halos kalahating milyong doses ng AstraZeneca aabot na sa mahigit isang milyong doses ng anti COVID 19 ang nasa bansa matapos naunang dumating ang 600 thousand doses ng Sinovac na donasyon ng China sa Pilipinas.
Vic Somintac