Malacañang at Kongreso, pinagkukomento ng Supreme Court sa mga panibagong petisyon kontra sa martial law extension sa Mindanao
Inatasan ng Korte Suprema ang Malacañang at Kongreso na magkomento sa dalawang panibagong petisyon kontra sa ikatlong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Ang mga panibagong petisyon ay inihain ng Makabayan bloc at ng grupo ni dating Comelec Chairman Atty. Christian Monsod.
Una nang iniurong ng Supreme Court sa Enero 29 ang oral arguments sa isyu dahil sa mga karagdagang petisyon na kumukwestyon sa muling extension ng martial law.
Ang Office of the Solicitor General ang maghahain ng komento para sa panig ng Malacañang at ng Senado at Kamara.
Binigyan ang OSG ng hanggang Enero 25 para magsumite ng komento.
Sa petisyon ni Monsod, sinabi nito na dapat maging proactive ang Korte Suprema sa pagdetermina kung mayroon ba talagang sapat ba factual bases para palawigin muli ang martial law sa Mindanao.
Ulat ni Moira Encina