Malacañang hands off sa pagtataas ng minimum wage sa Metro Manila
Hindi makikialam ang Malacanang sa issue ng pagtataas ng sweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila.
ito ang posisyon ng Malakanyang sa harap narin ng hiling ng ilang labor groups na itaas sa 856 pesos kada araw ang minimum wage sa Metro Manila o mas mataas ng 344 pesos sa kasalukuyag umiiral na minimum wage.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo mayrong Regional Tripartite Wages and Productivity Board na siyang nagdedesisyon sa ipatutupad na minimum wage sa ibat-ibang rehiyon sa bansa.
Ayon kay Panelo hahayaan ng Malakanyang ang Wage Board na magdesisyon kung ano ang dapat na minimum wage na ibigay sa mga mangagawa dahil nagsasagawa ito ng malalimang pagaaral sa issue.
Humihirit ng wage increase ang sektor ng mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin dulot ng inflation.
Ulat ni Vic Somintac