Malacañang mayroon ng contingency measures kung magkakaroon muli ng problema sa NAIA
May plano na ang gobyerno para agad na masolusyunan ang problema kung sakaling magkaroon muli ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na seryosong ikinokonsidera ang upgrading ng pasilidad sa Clark International Airport.
Ayon kay SecretaryGo naging leksyon sa pamahalaan ang pinakahuling insisente ng pagsadsad ng xiamen airline sa main runway ng NAIA na pumaralisa sa domestic at international flights.
Inihayag ni Secretary Go na hindi sinasadya ang nangyari sa NAIA panahon na para gumawa ng paraan ang gobyerno para hindi na mapinsala ang mga pasahero kung sakaling muling magkaroon ng problema sa pambansang paliparan.
Ulat ni Vic Somintac