Malacanang, nagpaabot na ng pagbati kay Pacquiao sa pagkapanalo laban kay Broner
Agad nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang kay Senador Manny Pacquiao matapos itong manalo sa laban nila American bozer Adrien Broner.
Sa statement ng palasyo, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nakikiisa ang Malakanyang sa pagdiriwang ang mga Pilipino sa matagumpay na pagdepensa sa kaniyang WBA welterweight title.
Ayon kay Secretary Panelo, ipinamalas ng Pambansang kamao ang kaniyang tatak na istilo sa boksing sa laban,sa kabila ng 11 taong agwat nila sa edad.
Nagpasalamat din ang kalihim sa senador dahil hindi lamang sa pagbibigay ng pagkilala sa ating bansa kundi maging sa muling pagkakaisa ng mga Pilipino sa buong mundo.
“The Palace is one with the entire Filipino people in celebrating Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao’s successful WBA welterweight title defense over American Adrien Broner.
While 11 years older than his opponent, the 40-year-old “Pambansang Kamao” displayed his vintage form just like in his heyday and dominated Broner, who went back-pedalling, in full twelve rounds of battle.
We thank our pound-for-pound King for not only bringing honor and glory to our flag, but for once again uniting all Filipinos worldwide with his display of athleticism, power and Filipino pride.
Mabuhay ka, Manny! Mabuhay ang Pilipinas!”