Malacañang nagpaliwanag sa hindi pagbubunyag ni Pangulong Duterte ng pangalan ng mga kongresista na umano’y sangkot sa kurapsyon sa mga proyekto ng gobyerno
Walang hurisdiksyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista na umanoy sangkot sa anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan.
Ito ang paliwanag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa pag-iwas ng Pangulo na pangalanan ang mga kongresista na sinasabing nakikipagsabwatan sa mga tiwaling kontratista at mga project engineers ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Ayon kay Roque walang pinagtatakpan ang Pangulo na mga kaibigan o kaalyado na mambabatas kundi dahil sa separation of powers hindi sakop ng Ehekutibo ang Lehislatura kaya hindi mabanggit ng Pangulo ang pangalan mga mambabatas na idinadawit sa katiwalian.
Inihayag ni Roque ibibigay ng Presidential Anti Corruption Taks Force sa Office of the Ombudsman ang pangalan ng mga mambabatas na nasasangkot sa korapsyon para maisailalim sa inbestigasyon at kung mayroong matibay na ebidensiya ay masampahan ng kaukukang kaso.
Niliwanag ni Roque na hindi titigil si Pangulong Duterte na pangalanan at ibunyag sa publiko ang mga tiwaling opisyal at empliado ng gobyerno na nasa Executive Department na sangkot sa katiwalian kaugnay ng kampanya ng administrasyon kontra korapsyon.
Vic Somintac