Malacañang naninindigang sangkot pa rin si Senador AntonioTrillanes at ilang mga miyembro ng Liberal Party sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte
Walang bigat ang sinabi ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez sa hearing sa senado na hindi sangkot si Senador Antonio Trillanes at ilang miyembro ng Liberal Party o LP kasabwat ang mga rebeldeng kumunista sa planong ibagsak sa kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakabatay sa intelligence report ang pinagbatayan ng pangulo sa pag-aakusa kay Trillanes at ilang miyembro ng lp na may sabwatan ang mga ito sa mga rebeldeng kumunista para agawin ang poder ng kapangyarihan.
Ayon kay Roque mismong sa bibig ni Trillanes at ilang miyembro ng LP ang tahasang nananawagan sa taongbayan para maalis sa puwesto si pangulong duterte.
Inihayag ni Roque ang Red October ouster plot laban sa gobyerno ay totoo at hindi imbento lamang dahil suportado ito ng intelligence report na nasa kamay ng pangulo.
Niliwanag ni Roque nasa desisyon ng pangulo kung ibinulgar niya sa publiko ang lahat ng mga personalidad na nasa likod ng red october ouster plot laban sa pamahalaan.
Ulat ni Vic Somintac