Malacañang pinaglalabas ng detalye ng pinagkagastusan ng pondo sa ilalim ng Bayanihan law
Inoobliga ng mga Senador ang Malacañang na maglabas ng kumpletong detalye hinggil sa pinagkagastusan ng pondo na inilaan sa ilalim ng inaprubahang Bayanihan law 2.
Sinabi ni Senator Francis Pangilinan na kailangang maging transparent ang gobyerno kung saan napunta ang bilyon bilyong pisong inutang at inilabas na pondo ng pamahalaan para sa pagtugon sa COVID- 19 pandemic.
Noong Setyembre ng nakaraang taon inaprubahan ng Kongreso ang 155. 5 Billion sa ilalim ng Bayanihan law 2 para sa pagkuha ng karagdagang medical frontliners at pagtatayo ng mga health facilities para sa mga nagkakaroon ng COVID- 19.
Nauna nang itinigil ng Malacañang ang pagpapadala ng monthly report sa Kongreso nang palawigin ang Bayanihan law 2 noong Disyembre.
Naghain naman si Senador Risa Hontiveros ng Senate Resolution 710 para obligahin ang Commission on Audit na magsagawa ng Special audit kung saan nagastos ang 570 billion sa ilalim ng bayanihan one at two.
Sa harap ito ng kakapusan ng sapat na pasilidad sa mga ospital ngayong mataas ang kaso ng nagkakaroon ng COVID- 19.
Meanne Corvera