Malacañang tiwalang hindi makakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang war on illegal drugs ni Pangulong Duterte
Kumpiyansa ang Malakanyang na hindi maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa sa patuloy na war on illegal drugs na ipinatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nakabatay sa saligang batas ng all out war ni Pangulong Duterte sa illegal drugs.
Ayon kay Abella suportado ng international community ang anti illegal drug campaign ng pamahalaan.
Inihayag ni Abella na maging ang business community ay suportado din ang giyera ng administrasyon laban sa ilegal na droga.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag dahil sa banta ng Human Rights Watch na posibleng maalis ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council na makakaapekto sa foreign investment.
Ulat ni Vic Somintac