Malacanang, tiwalang lulusot ang BOL sa isinagawang plebesito
Kumpiyansa ang Malakanyang na mananalo ang yes vote kaugnay ng isinagawang plebesito para sa Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na batay sa initial tabulation ng resulta ng plebesito lamang ang yes vote.
Ayon kay Panelo ikatutuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tinatakbo ng bilangan ng boto sa unang bahagi ng plebesito sa BOL.
Inihayag ni Panelo na bago pa man idaos ang plebesito sa BOL naglabas ng survey results ang Social Weather Stations o SWS na nagsasabing 79 percent ng mga muslim ay pabor sa BOL.
Niliwanag ni Panelo na ang paglamang ng yes vote sa partial tally ng resulta ng plebesito sa BOL ay nagpapatunay lamang na tama ang resulta ng SWS survey.
Sa sandaling manalo ang yes vote sa plebesito sa BOL ay itatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na ipapalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao na inaasahang magbibigay daan sa inaasam na panatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.
Ulat ni Vic Somintac