Malacañang walang kautusan na imbestigahan ang Office of the Vice-President -DOJ
Walang utos ang Palasyo na imbestigahan ng Task Force Against Corruption ang Office of the Vice- President.
Gayunman, inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kung mayroong reklamo ng kurapsyon ay iimbestigahan ng task force ang OVP.
Samantala, sinabi ni Justice Undersecretary at Spokesperson Emmeline Aglipay- Villar na sa kasalukuyan ang Operations Center Secretariat ng task force ay nasa proseso pa rin ng pag-consolidate ng mga reklamong natanggap nito at ng DOJ Action Center.
Ayon sa opisyal, mayroong biglaang pagdami ng reklamo na natanggap nila ngayong linggo na mahigit 60 na.
Ang madalas anyang reklamo ay ang sinasabing anomalya sa mga construction projects ng DPWH sa labas ng Metro Manila.
Moira Encina