Malacañang , walang planong i-ban ang paggamit ng FB app sa bansa
Nilinaw ng Malakanyang na hindi iba-ban ang Facebook o FB sa bansa makaraan itong punahin ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos madamay sa mga naburang accounts ang mga pages na nagsusulong ng mga adbokasiya ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque hindi naman pagbabanta ang naging pahayag ng Pangulo.
Niliwanag ni Roque ang sinabi ng Pangulo ay kailangan na magkaroon ng paguusap sa pagitan ng social media giant facebook at ang pamahalaan.
Sinabi ni Roque na kapwa hindi mabuti sa Facebook at Pilipinas sakaling i-ban ito sa bansa dahil number one user ng application ang mga Plipino.
Inihayag ni Roque, magiging malaking kawalan sa FB ang mga Filipino users habang maraming Pilipino naman ang maaapektuhan rin kapag nawalan ng access ang bansa sa social media.
Vic Somintac