Malakaking Business Group sa bansa kontra legislated wage increase na isinusulong sa dalawang kapulungan ng Kongreso
Bagamat iginagalang ng mga negosyante ang kapangyarihan ng kongreso na gumawa ng batas para sa kapakanan ng mga manggagawa kailangang balansehin ang epekto nito sa pagnenegosyo dahil sa halip na makabuti ay baka lalong makasama
Ipinarating ng mga malalaking negosyante ang kanilang concern sa mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay ng isinusulong na panukalang batas na magbibigay ng 150 pesos na accross the board legislated wage increase.
Sinabi ni ginoong Sergio Ortiz Luis presidente ng Employers Confideration of the Philippine o ECOP na maliit na porsiyento lamang ng labor force sa bansa na 50 million na mga formal at informal workers ang makikinabang sa lagislated wage increase.
Ayon sa ECOP sa 50 million na bumubuo ng private labor force sa bansa 16 percent lamang ang nasa formal wage earners o mayroong registered employers at ang natitirang 84 percent ay kabilang sa informal wage earners o walang formal employers na kinabibilangan ng mga self employed.
Ganito rin ang pananaw ni ginoong George Barcelon presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI na kontra sa pagpapatupad ng legislated wage increase.
Inihayag ng PCCI ang kailangan ng bansa ay lumikha ng maraming trabaho sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga proseso sa pagtatayo ng negosyo tulad ng paghahanap ng solusyon kung papaano mapapababa ang cost of production lalo na ang may kinalaman sa presyo ng kuryente dahil ang pilipinas ang may pinakamataas na singil sa kuryente sa rehiyon ng Asya at mataas na interest rates na inaayawan ng mga investors.
Niliwanag ng PCCI na ang pagpapatupad ng legislated wage increase ay makakaapekto din sa Inflation Rate o presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa dahil walang ibang opsiyon ang mga negosyante kundi itaas ang presyo ng mga produkto na ang direktang tatamaan ay ang mga maliliit na consumers.
Binigyang diin ng mga negosyante na sa kasalukuyang takbo ng Inflation Rate sa bansa ay malabo ng makamit ang 4 percent inflation target sa pagtatapos ng taong kasalukuyan matapos maitala ang 5.3 percent noong August mula sa 4.7 percent noong July dahil sa walang tigil na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Iminungkahi din ng mga negosyante sa pamahalaan na bantayan din ang 5 to 6 percent na unemployment at 16 percent na underemployment rate sa bansa dahil marami pa rin ang nahihirapang maghanap ng trabaho.
Vic Somintac