Malakanyang aaksyon lamang sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kapag umabot na sa 80 dollars kada bareles ang presyo ng langis sa world market
Inihayag ng Malakanyang na kikilos lamang ito para ibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa kapag umabot na sa 80 dollars kada bareles ang presyo sa world market.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na susupendehin ng Malakanyang ang pagpapataw ng excise tax sa mga oil products sa ilalim ng train law kapag abot na sa 80 dollars per barrel ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.
Sa ngayon nasa 72 dollars per barrel ang presyo ng langis sa world market.
Dahil sa pagtaas ng krudo sa wolrd market kaugnay ng tensiyon sa pagitan ng us at iran at excise tax dala ng train law muling nagpatupad ng all time big time price increase ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Inihayag ni Roque ang magagawang gobyerno sa ngayon ay kaisapin ang Department of Finance at Department of Budget na bilisan ang pagbibigay ng insentibo sa mga apektadong sektor kaugnay ng pagpapatupad ng train law na nakakaapekto naman sa presyo ng mga pangunahing produkto kasama ang langis sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac