Malakanyang aminadong may mga government fire arm na nasa kamay ng teroristang Maute group
Kinumpirma ng Malakanyang na totoong may mga baril ng gobyerno ang nasa kamay ng mga teroristang Maute group na ginagamit laban sa tropa ng pamahalaan.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Mindanao hour sa Malakanyang na may dahilan kaya nasa kamay ng mga kalaban ang baril ng pamahalaan.
Ayon kay Lorenzana nakuha ng mga terorista ang mga baril dahil sa mga ginagawang ambus sa mga sundalo, ibinibenta ng mga ilang tiwaling sundalo ang baril sa mga kalaban at ninanakaw sa mga government armory.
Inihayag ni Lorenzana na ang kaso ng mga baril ng gobyerno napupunta sa mga kalaban ay minimal lamang.
Niliwanag ni Lorenzana na hindi na siya magbibigay ng eksaktong araw kung kailan matatapos ang krisis sa Marawi .
Tiniyak ni Lorenzana na malapit ng matapos ang giyera sa Marawi dahil patuloy na lumiliit ang stronghold ng mga teroristang Maute group.
Ulat ni: Vic Somintac