Malakanyang ayaw magbigay ng komento sa Political plan ni Davao city Mayor Sara Duterte – Carpio
Umiiwas ang Malakanyang na magbigay ng pahayag hinggil sa tunay na plano ni Presidential daughter Davao City Mayor Inday Sarah Duterte Carpio kaugnay ng 2022 national at local elections.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hintayin na lamang ang pinal na desisyon ni Inday Sara hanggang November 15 ang petsang itinakdang deadline ng Commission on Elections o COMELEC sa substitution process ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon.
Inihayag ni Roque lahat ng lumilitaw na balita tungkol kay Mayor Inday Sara ay pawang espikulasyon.
Naging mainit na usap-usapan ang posibleng pagtakbo ni Mayor Inday Sara sa pagiging Presidente o kaya ay Bise Presidente matapos mag-withdraw ng kanyang kandidatura sa pagpaka-alakalde ng Lungsod ng Davao.
Inulit naman ni Roque ang kanyang pagnanais na tumakbong senador kapag nagdesisyon si Mayor Inday Sara na tumakbong Presidente sa May 9 elections.
Vic Somintac