Malakanyang bubuhayin ang Kadiwa ni ani at Kita mobile market dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin
Inatasan ng Malakanyang ang Department of Trade and Industry o DTI at Department of Agriculture na muling magpakalat ng Kadiwa ni Ani at Kita mobile market sa bansa upang makabili ang publiko ng murang pagkain.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na ang pagbuhay sa Kadiwa ni Ani at Kita mobile market ay bahagi ng mitigating measures ng pamahalaan para ibsan ang pasan ng taong bayan sa mahal na presyo ng mga pagkain dulot ng sunod-sunod na oil price increase.
Ayon kay Nograles aalamin ng Department of Agriculture ang mga lugar na mayroong maraming food production tulad ng bigas, gulay, karne at isda upang ilagay sa Kadiwa ni Ani at Kita mobile market na iikot sa mga estratihikong lugar na magbibenta ng mas murang halaga kumpara sa regular price sa mga pangunahing supermarket at pampublikong pamilihan.
Inihayag ni Nograles ang food stability sa bansa ang pangunahing pinatutukan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa krisis na idinulot pandemya ng COVID-19 at magiging epekto ng digmaang nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Vic Somintac