Malakanyang dumistansiya sa inihaing impeachment complaint laban kay CJ Sereno
Dumistansiya naman ang Malakanyang sa inihaing impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella kahit sino ay maaaring maghain ng impeachment complaint laban sa impeachable official at uusad lamang ito kapag may batayan ang reklamo na dapat ay ie-endorso ng mga Kongresista.
Sinabi ni Abella na iginagalang ng palasyo ang separation of powers ng ehekutibo at lehislatibo bilang co equal branch ng gobyerno.
Nasa kamay na aniya ng mga mambabatas ang bola kung gugulong o hindi ang inihaing impeachment complaint laban kay Sereno.
Ang unang impeachment complaint laban kay Sereno ay inihain ng VACC at ang ikalawa naman ay isinampa ni Atty. Larry Gadon nuong Miyerkules at inindorso na ng 25 Kongresista.