Malakanyang gustong malaman kung may control pa ang liderato ng CPP NPA NDF sa kanilang mga tauhan

Masusukat ng pamahalaan kung talagang may kontrol pa ang liderato ng CPP NPA NDF o Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front sa kanilang mga tauhan sa ground level.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na mismong ang pamunuan ng CPP NPA NDF ang humingi ng panahon para masabihan ang kanilang mga tauhan hinggil sa pagpapatupad ng unilateral ceasefire.

Ayon kay Dureza pumayag ang CPP NPA NDF na magpatupad din sila ng ceasefire dahil sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan matapos itong suspendihin ni Pangulong Duterte dahil sa kawalan ng sinseridad sa panig ng mga rebeldeng komunista.

Inihayag ni Dureza na handa ang Pangulo na muling magkaroon ng usapang pangkapayapaan para tuluyan ng mawakasan ang rebelyon sa bansa.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *