Malakanyang, handang makipagtulungan sa UN Human rights investigator pero may kundisyon

Niliwanag ng Malakanyang na hindi isinasara ng Duterte administration ang pintuan para makapasok sa bansa ang United Nations Human Rights investigator.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pahayag ni Pangulong Duterte na binabawalan ang pulisya at militar na magbigay ng inpormasyon sa UN Human Rights investigator ay hindi absoluto.

Ayon kay Roque nakahanda ang Duterte adminiatration na makipagtulungan sa UN Human Rights investigator basta ang ipapadala ay isang neutral na inbestigador.

Inihayag ni Roque ang ayaw lang ng Pangulo ay ang imbestigador na mayroon ng pre-judgement sa mga sinasabing human rights violation ng administrasyon partikular si UN Special Rapporteur Agnes Callamard. 

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *