Malakanyang hindi makikialam sa Impeachment laban laban kay Pangulong Duterte sa mababang kapulungan ng Kongreso
Ipauubaya ng Malakanyang sa mga mambabatas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung papaano uusad ang impeachment case na isinampa laban kay Pangulong Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella , hindi ugali ni Pangulong Duterte na makialam sa trabaho ng Kongreso na hiwalay na sangay ng gobyerno sa ehekutibo.
Sagot ito ng Malakanyang sa tanong ng Media kung hindi ba kakausapin ng Pangulo ang mga kaalyadong Kongresista hinggil sa impeachment case na isinampa ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano.
Ang impeachment ay isang political procedures at numbers game at ang Pangulo ay mayroong sinasabing super majority na kanyang kakampi sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sinampahan ng impeachment case ni Alejano si Pangulong Duterte dahil sa alegasyon ng high crimes kaugnay ng pagkamatay ng libo-libong drug personalities, graft and corruption kaugnay ng umanoy bilyong pisong sekretong bank account at iba pang tagong yaman at ariarian nito.
Ulat ni : Vic Somintac