Malakanyang, hindi nababahala sa pagbaba ng satisfaction rating ng Pangulo
Maituturing na very good pa rin ang pinakahuling satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte na 75 percent batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque wala namang naging Presidente ng bansa na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit na ang eleksiyon.
Ayon kay Roque natural lamang sa panahon ng eleksiyon ay humahanap ang mga kalaban ng paraan para bumaba ang rating ng Administrasyon upang manalo sa halalan.
Inihayag ni Roque kung bumaba man ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte ay nananatili parin itong mataas kumpara sa mga nakalipas na administrasyon.
Magugunitang November noong nakaraang taon na kasagsagan din ng Pandemya ng COVID- 19 sa bansa ng makuha ng Pangulo ang pinakamataas na satisfactory rating na pumalo sa 84 percent.
Vic Somintac