Malakanyang hindi nababahala sa pagbaba ng trust rating ni Pang. Duterte
Hindi naaalarma ang Malakanyang sa pagbaba ng trust rating ni Pangulong Duterte batay sa resulta ng first quarter survey ng Pulse Asia.
Sinabi Presidential Spokesman Ernesto Abella sa kabila ng matinding paninira ng mga kalaban ng administrasyon ay nananatiling mataas pa rin ang ibinibigay na pagtitiwala ng sambayanan kay Pangulong Duterte.
Ayon kay Abella kahayagan lamang ito na hindi naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino sa ginagawang paninira ng mga kalaban ng Pangulo.
Inihayag ni Abella na hindi patitinag ang Pangulo sa pagbaka sa kurapsyon, kriminalidad at ilegal na droga.
Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia nakapagtala ng average 76 percent na trust rating ang Pangulo sa first quarter ng taong kasalukuyan pitong punto na mababa sa December 2016 trust rating ng Pangulo na 83 percent.
Ulat ni: Vic Somintac