Malakanyang, hindi nababahala sa pagpasok ng Pilipinas sa Top 20 na may pinakamaraming Covid-19 cases sa mundo
Aminado ang Malakanyang na patuloy ang pagdami ng mga nagpopositibo sa Covid 1-19 kaya pumasok ang Pilipinas sa 20 bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng Coronavirus disease.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry na hindi ito dapat na ikabahala ng publiko dahil maliit naman ang critical mortality rate ng bansa o bilang ng mga namamatay sa Covid -19 na nasa 1.75 percent.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa mahigit 5,000 ang bilang ng mga namatay sa Covid-19 sa Pilipinas at ang kabuuang kaso ay nasa mahigit 314,000 kung saan mahigit 54,000 ang aktibong kaso, 86 percent dito ay mild cases, 9 percent ang asymptomatic, 1.4 percent ang severe cases at 3.1 percent ang Critical cases.
Samantalang ang recoveries ay nasa mahigit 254,000.
Ayon kay Roque mababa ang mortality rate ng Pilipinas dahil maganda ang critical care capacity ng mga hospital at medical team sa bansa kaya maraming gumagaling na pasyente na tinamaan ng Covid-19.
Inihayag ni Roque, unti-unti ay mararating ng Pilipinas ang inaasam na flattening of the curve basta sundin lamang ng publiko ang mga ipinatutupad na minimum health standard protocol kasabay ng dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.
Vic Somintac