Malakanyang hindi natutuwa sa report ng international trade union confederation na kasama sa top 10 ang Pilipinas sa worst countries para sa mga manggagawa
Nalulungkot ang Palasyo ng Malakanyang sa ulat ng International Trade Union Confederation na kasama ang Pilipinas sa top ten na worst countries para sa mga manggagawa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naapektuhan ng pandemya ng COVID-19 ang sektor ng paggawa.
Ayon kay Roque, umabot pa kasi sa dalawang taon ang pandemya ng COVID 19.
Inihayag ni Roque dahil sa national vaccination program ng pamahalaan unti-unti ng nakakabangon ang labor sector.
Batay sa report ng International Trade Union Confederation kabilang sa top ten worst for working people ngayong 2021 ang Pilipinas kasama ang Bangladesh, Belarus, Brazil, Colombia, Egypt, Honduras, Myanmar, Turkey at Zimbabwe dahil sinamantala umano ng mga employer at gobyerno ang pandemya para magtanggal ng mga manggagawa.
Vic Somintac