Malakanyang humingi ng pang-unawa sa mga returning overseas pilipino at mga kamag-anakan dahil sa ipinatutupad na mahigpit na border control protocols
Humingi ng pang-unawa ang Malakanyang sa mga returning overseas pilipino o ROP at mga kamag-anakan kaugnay ng mahigpit na ipinatutupad na border control protocol dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19 na nataon sa holiday season.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na pangunahing prioridad ng gobyerno ang kalusugan ng publiko laban sa Omicron variant ng COVID-19 upang hindi na ito makapasok sa bansa o kung makapasok man ay agad na makokontrol.
Ayon kay Nograles kailangang sundin ng lahat ng mga magbabalik bayan na mga pilipino ang mga patakaran sa mga point of entry upang matiyak ang kaligtasan ng lahat laban sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Magugunitang dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19 ay muling ipinatutupad ang mahigpit na border control protocol kabilang dito ang 14 na araw na facility base quarantine at pagsasailalim sa RT PCR test sa lahat ng pinahihintulutang pinoy na makapasok sa bansa saan man ang kanilang point of origin.
Vic Somintac