Malakanyang itinangging may kinalaman sa pagkawala sa Committee Chairmanship ng ilang kongresista
Niliwanag ng Malakanyang na wala silang kinalaman sa mga pangyayari sa mababang kapulungan na ilang mambabatas ang natanggalan ng committee chairmanship.
Itoy kaugnay ng una nang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tatanggalan niya ng chairmanship ang mga mambabatas na kontra sa panukalang batas na parusang kamatayan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella independent body ang kongreso at hiwalay ito sa trabaho ng executive branch.
Sinabi ni Abella hindi panghihimasukan ng ehekutibo ang trabaho ng lehislatura at kung anoman ang galaw sa mababang kapulungan ay sarili nila itong pagkilos at walang anumang kamay ang Palasyo.
Sa kabilang dako ikinatuwa naman ng Malakanyang ang patuloy na pagsuporta ni dating Pangulo at ngayoy Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo sa administrasyon sa kabila ng isa siya sa mga kongresista na natanggalan ng committee chairmanship at naalis pa sa pagiging Deputy Speaker.
Ulat ni : Vic Somintac