Malakanyang kay Senador Antonio Trillanes: Tama na ang satsat hintayin na lamang ang desisyon ng hukuman

Dapat tigilan na ni Senador Antonio Trillanes ang patuloy na pagsasalita sa media at hintayin na lamang ang desisyon ng Korte Suprema.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque ang Malakanyang ay nangako na hihintayin ang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Senador Trillanes na kumukuwestiyon sa Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa amnestiya ng Senador na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Roque ngayong nasa hukuman na ang kaso ang Burden of Proof ay nasa kamay ni Trillanes para patunayan na mayroon siyang formal application at affidavit of admissions sa mga kaso na kanyang kinakaharap dahil sa pag-aalsa laban sa gobyerno ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang pangunahing requirements sa amnesty.

Iginiit ni Roque na sa dinami-dami ng mga dokumento na ipinapakita ni Trillanes sa media ay hindi niya inilalabas ang kanyang formal application ng amnesty at affidavit of admissions of guilt.

Binigyan diin ni Roque na mapipilitan si Trillanes na ilabas sa hukuman ang kanyang formal application at affidavit of admissions of guilt dahil ito ang pinagbatayan ng Malakanyang sa pagpapawalang bisa sa kanyang amnestiya.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *