Malakanyang nababahala sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19
Umapela ang Malakanyang sa publiko na huwag balewalain ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar kailangang sundin ng publiko ang palaging pagsusuot ng face mask dahil ito ang nagsisilbing first line of defense kontra sa COVID-19.
Ayon kay Andanar hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo a trenta ay mahigpit paring ipatutupad ang pasusuot ng face mask.
Inihayag ni Andanar nasa kamay na ng papasok na administrasyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung ipagpapatuloy pa ang compulsory na pagsusuot ng face mask.
Batay sa report ng Department of Health muling nakitaan ng unti-unting pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa kaya dapat panatilihin ang pagsunod sa standard health protocol dahil patuloy na kumakalat ang COVID-19 dulot ng Omicron variant ng corona virus.
Vic Somintac