Malakanyang nagdadalawang isip pa kung hihirit sa kongreso ng BAYANIHAN 3 law para sa mga biktima ng bagyo
Premature pa para isulong ang panukalang batas na Bayanihan 3.
Ito ang tugon ng Malacañang sa panukala ni Senador Raph Recto na magpasa ng Bayanihan 3 para maayudahan ang mga nabiktima ng sunod sunod na bagyo sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ,titingnan muna ng Malakanyang kung ano ang magiging pinal na balangkas ng 4.5 trilyong pisong national budget para sa taong 2021.
Sinabi ni Roque kung nakapaloob na sa pambansang pondo ang ipang aayuda sa mga nabiktima ng magkakasunod na bagyo hindi na kailangan ang Bayanihan 3.
Matatandaang ipinasa ng Kongreso ang Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1 na may 275 bilyong pisong pondo at Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na may 140 bilyong pisong pondo para ipang ayuda sa mga naapektuhan ng pandemya ng Covid 19.
Vic Somintac