Malakanyang, nakatutok sa pananalasa ng bagyong Tisoy
Mahigpit na nakamonitor ang Malakanyang sa nakatakdang pananalasa ng bagyong Tisoy na tinatayang tatama sa kalupaan ng Bicol Region.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ngayon pa lamang ay nakaposisyon na ang mga tauhan at equipment ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC katulong ang mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Panelo handa ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga maaapektuhang lugar at mga residente lalo na sa relief at rescue operations.
Umapela din ang Malakanyang sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyong Tisoy na laging sundin ang mga advisory mula sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para mabawasan ang magiging epekto ng kalamidad sa buhay at ari-arian.
Ulat ni Vic Somintac