Malakanyang nakiusap sa mga kritiko na abangan na lang ang pasiya ni Pangulong Duterte kung palalawigin pa ang Martial Law sa Mindanao
Hintayin na lamang ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte kung palalawigin pa Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ibabatay ng Pangulo ang kanyang desisyon sa Martial Law extension sa rekomendasyon ng Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Ayon kay Abella isasaalang-alang ng Pangulo ang interest ng sambayanan laban sa mga terorista.
Magugunitang sinabi ng Pangulo na maaaring tumagal pa ng labing limang araw ang ginagawang clearing operations ng militar sa Marawi City para tuluyang mabawi sa kamay ng mga teroristang Maute group ang buong lungsod.
Ulat ni: Vic Somintac