Malakanyang, nanawagan sa Kongreso na pagtibayin ang 2021 proposed National Budget

photo credit: pia.gov.ph

Kinakalampag ng Malakanyang ang Kongreso na tiyaking maipapasa sa tamang oras ang 2021 national budget na nagkakahalaga ng 4.5 trilyong piso.

Sinabi Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles nakasalalay sa 2021 national budget ang response, recovery at rehabilitation program ng pamahalaan sa Covid-19 Pandemic.

Ayon kay Nograles, welcome sa Malakanyang ang pagkaka-apruba ng National Budget sa level ng House Committee on Appropriations.

Inihayag ni Nograles na hindi kakayanin ng pamahalaan na ma-delay ang pambansang pondo dahil walang magagastos sa mga proyekto na susuporta sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa dulot ng epekto ng Covid-19.

Niliwanag ni Nograles na nakasalalay din sa 2021 national budget ang pag responde sa pangangailangan  sa edukasyon, kalusugan, transportasyon at pang imprastraktura.

Iginiit ni Nograles na kapag na delay ang national budget tiyak na maaantala din ang implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan.

Batay sa report nangangamba ang executive department na maaapektuhan ang deliberasyon ng National budget dahil sa isyu ng term sharing sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lourd Alan Velasco.

Vic Somintac

Please follow and like us: