Malakanyang: PRRD, fit at malusog para gampanan ang kaniyang tungkulin
Walang problema sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil fit at malusog ito para sa kanyang edad na 76.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque matapos kumalat ang balitang nagkaroon umano ng mild stroke ang Pangulo kaya kinansela ang kanyang mga Public engagement kasama ang regular weekly Talk to the People.
Sinabi ni Roque na nagpapasalamat ang Malakanyang sa ipinapakitang pag-aalala ng taongbayan sa kalusugan ng Pangulo lalo na ngayong panahon ng paglala ng Pandemya ng COVID 19.
Ayon kay Roque nananatiling mataas ang Approval at Trust rating ni Pangulong Duterte batay sa isinagawang survey ng Publicus Asia Incorporated, isang Independent Non-Commission survey.
Batay sa naturang survey na isinagawa noong March 20 hanggang 29, nakakuha ang Pangulo ng 65 percent approval rating at 55 percent trust rating.
Inihayag ni Roque na batay sa survey nananatiling nagtitiwala ang mayoryang Filipino sa liderato ng Pangulo lalo na ngayong nakikipagbaka ang bansa sa Pandemya.
Presidential Spokesperson Harry Roque:
“On President Rodrigo Roa Duterte remains fit and healthy for his age and we thank the Filipino people for voicing their concern and wishing the Chief Executive’s strength and good health during this time of COVID-19 pandemic as he continues to discharge his functions as head of the government”.
“We likewise express our gratitude to the Filipino people for making President Duterte the most approved and the most trusted national public official in the country with 65% approval rating and 55% trust rating, respectively, according to an independent non-commissioned survey conducted from March 20 to 29, 2021″.
“The latest survey results send a clear message that our people are generally happy with the leadership and performance of the President. This strong public confidence would certainly motivate and inspire the President, along with the members of the Cabinet, to work harder to serve the people, especially during this time of global health crisis”.
Vic Somintac