Malakanyang tanggap ang resulta ng SWS survey na nagsasabing tumaas ang bilang ng mga Pinoy na naniniwalang sumama ang lagay ng kanilang pamumuhay

 

 

Hindi kinontra ng Malakanyang ang resulta ng Social Weather Station o SWS survey na nagsasabing tumaas ang bilang ng mga Pinoy na naniniwalang hindi gumanda ang lagay ng kanilang pamumuhay.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang 27 percent na naniniwalang sumama ang lagay ng kanilang pamumuhay sa second quarter survey ng SWS ay tanggap ng Malakanyang dahil sa ilang kadahilanan.

Ayon kay Roque pangunahing kadahilanan nito ay ang paglobo ng inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Inihayag ni Roque gumagawa na ng solusyon ang mga economic managers ng pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin gayundin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga mga produktong petrolyo.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *