Malakanyang, tiwalang maaabot ang target na paglago ng ekonomiya para sa 2021

Photo: pna.gov.ph

Sa kabila ng banta ng Omicron variant ng Covid-19, inihayag ng Malacañang na kumpiyansa ito na maaabot pa rin ng Pilipinas ang target nito na 4-5% economic growth sa pagtatapos ng 2021.

Noong Agosto, binawasan ng gobyerno ang economic growth target sa 4-5% mula sa dating 6-7%In August, the government slashed its economic growth target to 4 percent to 5 percent from the previous 6 percent to 7 percent to reflect stricter mobility restrictions declared to prevent the spread of the Delta variant of Covid-19.

Noong Agosto ay binawasan ng gobyerno ang target nitong paglago ng ekonomiya sa 4 na porsyento hanggang 5 porsyento mula sa dating 6 na porsyento hanggang 7 porsyento, upang maipakita ang mas mahigpit na restriksiyon sa paggalaw para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant ng Covid-19.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles . . . Opo, nagsalita na rin po ang NEDA (National Economic and Development Authority) at ang ating mga economic managers tungkol dyan. We are confident na mararating natin ang ating economic growth targets.”

Aniya, hangga’t ang mga kaso ng Covid-19 cases at positivity rate ay patuloy sa pagbaba, at ipinatupad ang isang ligtas na economic reopening ay makukuha ng bansa ang target nitong paglago sa ekonomiya.

Muli ring nanawagan sa publiko si Nograles ba magpabakuna na laban sa Covid-19, sa pagsasabing ito lamang ang paraan para matiyak na ang buhay ay makababalik na sa normal.

Aniya .. . Panawagan natin sa lahat: kailangan magpabakuna po tayo. Mas maraming taong mabakunahan natin then mas maging kampante ang lahat – ang negosyo, ang mga livelihoods, ang trabaho. Mas magiging bukas din ang ating ekonomiya, especially pag nakikita natin na mas marami sa ating mga kababayan ay bakunado.”

Una nang nagpahayag ng tiwala si Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, na maaabot ng bansa ang 4-5% growth goal ngayong bumababa na ang mga kaso ng Covid-19, dumarami na ang nababakunahan at unti-unti na ring nagbubukas ang ekonomiya.

Sa kasalukuyan ay binabalanse ng Duterte government ang pagtugon sa Covid-19 at ang ligtas na reopening ng ekonomiya.

Please follow and like us: