Malakanyang, tumanggi munang magbigay ng official statement sa Diplomatic protest ng Kuwait kaugnay sa ginawang rescue sa mga distressed OFWs

Hihintayin muna ng Malakanyang ang konkretong report ng Department of Foreign Affairs o DFA hinggil sa ginawang rescue ng mga embassy officials sa mga distress Overseas Filipino Workers o OFWS sa bansang Kuwait.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mahalagang malaman ang tunay na detalye ng pangyayari sa ginawang pagliligtas ng mga embassy officials sa mga distress OFWS.

Ayon kay Roque bagamat si Pangulong Rodrigo Duterte ang nananagit sa pangkalahatang foreign policy ang pang-araw-araw na pagpapatupad ng foreign policy ng bansa ay nasa kamay ng DFA.

Dahil sa ginawang rescue ng mga embassy officials sa mga distress OFWS sa Kuwait ay minasama ito ng Kuwaiti government kaya naghain sila ng diplomatic protest.

Batay sa report ginawa ng mga embassy officials ang rescue dahil noong Linggo ay nagpaso na ang amnesty na ibinigay ng  Kuwaiti government sa mga undocumented OFWS.

Umaasa naman si Roque na hindi makakaapekto sa binabalangkas na Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa kapakanan ng OFWS ang insidente ng rescue operstions.

Kaugnay nito hindi pa matiyak ni Roque kung matutuloy ang planong pagtungo mismo ni Pangulong Duterte sa Kuwait.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *