Malakanyang tutok muna sa inflation bago sa iba pang problema ng bansa

Prayoridad muna ng Malakanyang ang tungkol sa inflation o politika ng sikmura.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque handang isantabi muna ng Malakanyang ang pagsusulong ng Charter Change o Chacha para palitan ang sistema ng gobyerno mula Presidential unitary patungong Federal system.

Ayon kay Roque uunahin muna ng administrasyon ang pagresolba sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin partikular ang pagkain.

Inihayag ni Roque bagamat walang konkretong solusyon ang pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil ito ay dikta ng world market gumagawa naman ng paraan ang gobyerno para mabawasan ang epekto nito sa pamamagitan ng pag- aangkat ng langis sa mga non-OPEC member countries.

Niliwanag ni Roque sa ngayon mayroon ng ginawang hakbang ang Malakanyang para mapababa ang presyo ng mga bilihin partikular ang mga agricultural food products.

Binigyang diin ni Roque na kamakailan ay ilang Presidential issuances ang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang pagpasok sa bansa ng mga imported agricultural food products na kinabibilangan ng bigas, isda at poultry products.

Naniniwala ang Malakanyang na nakabatay parin sa Law of supply and demand ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *