Malakanyang umaasang magiging stable na ang presyo ng mga produktong petrolyo sa World market sa mga susunod na linggo
Naniniwala ang Malakanyang na magiging matatag na ang halaga ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan sa mga susunod na linggo.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na magandang indikasyon ang inaasahang bigtime price rollback ng mga kompanya ng langis sa bansa sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon kay Andanar batay sa report ng Department of Energy o DOE sa Malakanyang bumaba ang presyo ng krudo sa World market dahil nabawasan ang fuel consumption ng China dulot ng lockdown dala ng muling paglobo ng kaso ng COVID-19 at ang pagkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagbigay daan upang humupa ng bahagya ang tensiyon.
Inihayag ni Andanar patuloy na gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang mabawasan ang epekto sa ekonomiya ng bansa ang mataas na presyo ng langis sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong sektor sa ilalim ng targeted relief scheme.
Vic Somintac