Malakanyang umaasang tuluyan ng maaayos ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait
Positibo ang Malakanyang na tuluyan ng maaayos ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait.
Ito’y matapos na magkaroon ng pakikipagpulong sina Labor secretary Silvestre Bello III at Presidential spokesman Harry Roque sa Interior Ministry ng Kuwait.
Sinabi nina Secretary Bello at Roque na nakalaya na ang apat na Pinoy driver na hinuli ng Kuwaiti authorities matapos ang kontrobersiyal na rescue operations sa mga distressed OFWs.
Inihayag nina Bello at Roque na makakasama na nilang uuwi sa Pilipinas ang tatlong diplomat na hindi makalabas sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait dahil sa paghihigpit na ginawa ng Kuwaiti government.
Opisyal naring tinanggap ng Kuwait si Philippine special envoy to Kuwait Abdulah Mamau matapos ideklarang persona non-grata si Ambassador Rene Villa.
Inaasahan narin nina Bello at Roque na wala ng hadalang para malagdaan ang Memorandum of Understanding o MOU sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa kapakanan at proteksyon ng mga OFWs.
Ulat ni Vic Somintac