Malakanyang umalma sa pahayag ni Phil. Ambassador to Japan Jose Laurel V na pabuya ni Pangulong Duterte ang pagsama ng 20 gabinete sa Japan trip
Kinontra ng malakanyang ang naging pahayag ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng gabinete ang pagsama sa Japan trip dahil sa pagkapanalo ng mga kandidato ng administrasyon sa katatapos na Midterm election sa bansa
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na official delegation ang 20 Cabinet officials sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa 25th Nekkie Conference sa Tokyo Japan.
Ayon kay Panelo trabaho ng mga cabinet officials na tulungan ang Pangulo sa pagdalo sa international events dahil pagkakataon ito para mahimok ang mga investors na maglagak ng puhunan sa bansa na lilikha ng trabaho para sa mga Filipino.
Inihayag ni Panelo na mahalaga ang Japan trip ng Pangulo dahil ang Japan ang isa sa pinakamalaking trading partner ng Pilipinas.
Ulat ni Vic Somintac